top of page

Noon at Ngayon

ni: Ma. Theresa I. CortezI

     Isang umaga habangnasa sala angmagkakapatid na sina Maria, Karla, at Lito pinag-uusapan nila ang malaking pagbabago ng panahon ngayon kumpara noon. Pahayag ni Maria sa kaniyang mga kapatid,
     “Noon, normal ang pamumuhay ng mga tao. Malayang lumalabas ng bahay na walang face mask o face shield, pumapasok ang mga bata sa paaralan upang mag-aral, at malayang nakapaglalaro maaari ding mamasyal ang mag-anak sa ibang lugar at
ang pagkakaroon ng salu-salo sa bawat barangay kapag piyesta”.
     “Oo ate, nakakalungkot mang isipin pero ito na marahil ang bagong yugto na ating haharapin sa kasalukuyan dahil sa pandemiyang COVID-19. Maraming pinagbabawal na gawin para sa kaligtasan ng bawat isa. Kailangang sumunod sa alituntunin at batas na ipinatutupad ng gobyerno. Tayo ay nasa new normal na situwasyon,” wika ni Karla.

      Kailangan din nating sundin ang sumusunod, tulad ng huwag nang lumabas ng bahay kung hindi naman mahalaga ang iyong gagawin, bawal lumabas ang mga bata na nasa edad labinlima pababa.
     Sa bagong sistema ng edukasyon, wala munang face-to-face classes kundi online class o modyul ang gagamitin sa pag-aaral.

    “Kung may okasyon naman, bawal munang magkaroon ng piging, at hinihikayat na huwag na munang mamasyal ang
mga mag-anak kung saan-saan,” dagdag naman ni Lito. “Sana lahat ng tao ay mabigyan ng bakuna para malabanan na ang sakit na COVID-19,” sabay-sabay na nabanggit ng tatlo.

​

© 2020 by Leomar G. Mercado | Pagsanjan Integrated NHS

bottom of page